FEISTYMOMMA ~ powered by coffee, chocolate, wine, and pork adobo ~ Alden Richards & Bea Alonzo Will Star In A Remake Of Korean Hit Movie, “A Moment To Remember” – FEISTYMOMMA ~ powered by coffee, chocolate, wine, & pork adobo ~

Alden Richards & Bea Alonzo Will Star In A Remake Of Korean Hit Movie, “A Moment To Remember”

Something to look forward this coming 2021 is a movie with Alden Richards & Bea Alonzo under Viva Films and GMA Pictures. The two have mutually expressed in the past how much they’d love to work together in a project especially after they were paired in a shampoo endorsement. Fans have also declared their wishes to see them together in a big screen. Here it is and may it be the moment we will always remember!

A Moment To Remember ang pamagat ng unang movie team up nina Alden Richards at Bea Alonzo. At kung hindi magkakaroon ng pagbabago sa schedule, magsisimula sa susunod na buwan, January 2021, ang prinicipal photography ng kanilang pelikula.

Co-production venture ng Viva Films at GMA Pictures ng GMA Network Inc. ang A Moment To Remember at si Nuel Naval ang direktor ng proyekto.Si Naval ang direktor ng Philippine adaptation ng Miracle In Cell No.7, ang Aga Muhlach-starrer na top grosser sa 45th Metro Manila Film Festival noong 2019.

Ang A Moment To Remember ang unang pelikula ni Bea sa labas ng bakuran ng Star Cinema matapos na magpaalam bilang exclusive contract artist ng Star Magic, ang talent management agency ng ABS-CBN.

Matagal nang usap-usapan na gagawa ng pelikula sina Alden at Bea pero nauna pa ang pagtatambal nila sa isang shampoo commercial. Sa recent interview kay Alden ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), binanggit niya na may mga nagaganap nang pag-uusap tungkol sa posibleng pagsasama nila ni Bea sa isang movie project.

From management to management po ang nag-uusap, na parang nag-ask po si GMA if Bea wants to make a film with me.

“So, parang she said yes, pero hindi pa po alam kung sino ang magiging producer at kung ano ang magiging istorya,” ang pahayag ni Alden sa panayam sa kanya ng PEP.ph.

Hindi nagbigay noon si Alden ng ibang mga detalye pero tiyak na ang partnership nila ni Bea sa A Moment To Remember ng Viva Films at GMA Pictures. (SOURCE)

Dexie Jane

Mother of 2. She drinks coffee everyday and wine on the weekends. She also devours massive amount of chocolate, pork, and sushi. She loves to dance in her living room and binge-watches KDRAMA, historical dramas, and excessive unhealthy dose of Crime/Murder mysteries/dramas/documentaries. She LOVES books.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.