FEISTYMOMMA ~ powered by coffee, chocolate, wine, and pork adobo ~ Derek Ramsay Committed One Of The Worst Ways To Break Up With Someone – FEISTYMOMMA ~ powered by coffee, chocolate, wine, & pork adobo since 1998 ~

Derek Ramsay Committed One Of The Worst Ways To Break Up With Someone

Derek Ramsay committed one of the worst ways possible to break up with a girlfriend. Through a phone call. OMG!!!! Derek admitted he regretted that it was done through a phone call but said they were supposed to see each other but then it just came up over the phone. Derek did not divulge what the break up was all about but shared that their values and views over something just did not match. He wasn’t going to change Andrea’s values nor was she going to change his. That’s when Derek decided it was time to end the relationship. Unfortunately, it was done through phone. UGH! 😨😰

Si Derek ang special guest sa radio program ni Cristy Fermin na Cristy Per Minute kahapon, April 20.
Dito ay may mga bagong rebelasyon ang aktor tungkol sa breakup nila ni Andrea noong nakaraang taon.
Kinumpirma ni Derek na siya ang nakipaghiwalay.
May kinalaman din daw ang pamilya ni Andrea sa kanilang split-up.
At nakipaghiwalay lamang siya sa pamamagitan ng tawag sa telepono, isang bagay na diumano’y pinagsisisihan niya.

Saad ni Derek “Yung sa amin ni Andrea, it was actually may problema na nangyari na, I guess, nagbigay sa akin ng sign na, I think, this relationship we have, our views on this… yung problemang ‘yon, yung values namin, ng isa’t isa, is not the same.

“Hindi mali yung values niya, hindi mali yung values ko. Pero ganito ako pinalaki, ganoon siya pinalaki.
“Hindi ko na aatakihin ‘yon, hindi ko siya babaguhin. Hindi niya ako babaguhin.
“So I told her, ‘I think that this is the end of this relationship because we cannot see eye to eye on this matter.
“‘So I think it’s just best na kumalas na tayo ngayon rather than lalaki pa, and then two, three years down the road, maghihiwalay tayo.
“‘Babalikan natin ito kasi nga iba ang views natin sa problemang ‘yan, and it’s a waste of time and it’s a waste of effort… masakit, di ba?'”

Dire-diretso ang kuwento ni Derek tungkol sa dahilan ng paghihiwalay nila ni Andrea, pero hindi niya sinabi ang problema na kanyang tinutukoy.
Patuloy ng Kapuso actor, “So, ako yung nakipagkalas.

“Sa phone po namin… ‘yon lang yung siguro kung may regret ako is that it came up over the phone.
“Actually, dapat magkikita kami noon, ang nangyari, it came up over the phone, pero with no disrespect.
“Hindi namin dinisrespect ang isa’t isa. She agreed also,” diin ni Derek. (SOURCE: PEP)

Dexie Jane

Mother of 2. She drinks coffee everyday and wine on the weekends. She also devours massive amount of chocolate, pork, and sushi. She loves to dance in her living room and binge-watches KDRAMA, historical dramas, and excessive unhealthy dose of Crime/Murder mysteries/dramas/documentaries. She's a Bibliophile and a SHOEHOLIC!

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.