Jessica Soho Shares Her Story At The Global Youth Summit 2025
At the Global Youth Summit 2025, awrd-winning journalist and news anchor Jessica Soho gave a very powerful speech wherein she shared an incident which she consinders the scaries she has ever experienced as a journalist in 40 years. Ms. Soho went on to tell stories starting from her humble beginnings growing up in Agoo, San Fernando and San Juan in La Union. Read the whole message below.
JESSICA SOHO TO YOUTH LEADERS AT THE GLOBAL YOUTH SUMMIT 2025: ‘MAY EACH ONE OF YOU BECOME AN INSPIRATION TO OTHERS TOO’
“There is this one incident I consider among the scariest I have ever experienced in my 40 years as a journalist.
No, it was not one of my most difficult or life-threatening coverage or assignments.
At hindi rin isa sa horror stories na madalas naming pino-produce. Katulad ng taunang Halloween special ng KMJS na Gabi ng Lagim—na incidentally, isina-pelikula na at malapit nang maipalabas. Abangan n’yo po sana at salamat sa plugging o promo! No, hindi po iyun. At hindi rin si Ed Caluag hehe.
Kundi isang ginang, I think sometime in the 1990s, na minsan nagsabi sa akin, “Jessica, pa-picture naman kayo ng anak ko, ipinangalan ko siya sa iyo”. Imagine that.
She named her child after me. Could anything be more frightening! Gusto ko sanang sabihin, bawiin n’yo po kaso nakita ko malaki na iyung bata.
I should be honored, I know. Or humbled. And believe me, I am.
But the thought that there are babies or kids out there–na ang ginawang peg ng kanilang mga magulang ay ako–scares me to death. What if I mess up big time?
Eh ‘di habambuhay nila iyun pagsisisihan? Opo, Shookt ako! As it is, I always run scared.
Team KMJS and I, we always run scared! Or fly scared kaya nga po “lumipad ang aming team”!
Every day or every week is different pero laging mataas ang expectation sa amin- for the past 20 years and 9 months na po and counting!
Ayokong maging assumera na si Jessica Sy ay ipinangalan din sa akin hehe. Pero kung meron sa inyo na sa kasawiang palad ay isinunod ang pangalan sa akin, o nagkataon lang na kapangalan ko—mamaya pa-picture tayo ha, dito sa stage!!! Please allow me to formally introduce myself.
Baka kasi kilala n’yo ako bilang si Jessica Soho na napapanood n’yo. Pero hindi n’yo alam kung saan at paano ako nagsimula.
I come from very humble beginnings. And I say that with both humility and pride. Proud promdi from the towns of Agoo, San Fernando and San Juan in La Union. Elyu guys!!! Pasyal uli kayo sa amin pag wala nang bagyo!!! My dad was a government employee and my mom was an agriculturist.But she died of cancer when I was only 8 years old, and after that my otherwise happy childhood was no more. For a big part of my life, I felt shortchanged. Laging may kulang.
Pero napalaki pa rin naman ako DIUMANO nang maayos ng aking ama at mga lola. My Lola Cion or Concepcion Torralba Soho, my paternal grandmother, who sold meat in the market of San Fernando, which is now a city. And my Apo Baket or Apo Ittang, Sixta Aspiras, my maternal grandmother, a retired public school teacher who lived in a barrio in the town of Agoo. Bata pa lang, mulat na ako sa mga realidad at buhay ng mga tindera at mga magsasaka. Because they are the people my lolas interacted with, daily. My stepmother also ran a beauty parlor, ang madalas na tambayan ng mga Marites. So given all of these exposures early on in life, parang nakatadhana yatang mapunta ako sa larangan ng pagkukuwento o storytelling. Bilang journalists, nagkukuwento kami, tungkol sa bayan at mundo; At tungkol din sa mga makapangyarihan
At maging ang mga nasa laylayan.
Nag-aral ako ng elementary at high school sa Christ the King College San Fernando, La Union. Catholic school na pinatakbo noon ng mga madre mula sa Belgium.
Kaya parte ng aming curriculum ang pagdarasal. At alam n’yo po, kamakailan ko lang napagtanto na sa aking buhay pala, merong koneksyon ang pagdarasal at pagbabasa.
Mabilis ako natutong magbasa kaya mabilis din ako natutong magdasal, in both English and Ilocano. Kuwento ng mga pinsan ko, sa mga katuwaan daw namin o pa-contest noong kami’y mga bata, ang panlaban ko kapag naubusan na ako ng mga kanta…ay dasal! May cash prize po kasi from our lola!
Noong ako’y nasa elementary pa lang, kinukuha na akong prayer leader para sa block rosary. At nung high school naman, madalas akong reader o lector sa misa. Lalo’t katabi lang ng eskwelahan namin ang simbahan. There is poetry there, I believe. Between words and prayers or vice-versa. These 2 words that are among the basic foundations of my life.
Words got me here; but it was prayers that have sustained me through the most difficult crises and assignments in my life and career. Bawat isa sa atin, may kulang o kahinaan. May baggage o krus na pinapasan. BUBOG, sabi ng premyadong manunulat at National Artist for Film and Broadcast Arts na si Ricky Lee.
At ang payo niya, sa buhay man o sa pagsusulat, gamitin mo ang bubog na building block o pambuo ng iyong kuwento o pagkatao.
Gaano man kasakit o kahirap, hugutin ang bubog o kung anuman ang iyong dinadala as a MOTIVATION to write your story or to make something of yourself. Kung hindi, ang bubog ay mananatiling bubog na laging magbibigay ng pahirap at pasakit. Pagtagumpayan n’yo sana sa buhay ang inyong mga bubog!!!
True o Diumano? Let’s play a little game? Game! May sasabihin ako tapos pakisagot langkung true o diumano?
Question Number 1: Woke daw kayo o aware sa mga nangyayari sa lipunan at sa buong mundo kaya meron nang paninindigan?
True o Diumano?
Question Number 2: Creative daw kayo at innovative pero madali namang magsawa o mapagod?
True o Diumano?
Question Number 3: Hindi nga raw kayo iyung tipong ‘Willing to Wait’.
Palibhasa nasanay sa swipe swipe lang sa gadgets, kaya pirminng instant gratification o agad-agad ang hanap?
True o Diumano?
Whatever it is is na sabihin nila tungkol sa inyo, please know na matagal niyo na akong fan! True iyun ha, hindi DIUMANO.
Kahit balikan n’yo pa iyung mga nauna kong interview o speech. Kasi, katulad n’yo rin ako, matigas ang ulo! Kaya bilib ako na nagawa niyong kuwestiyunin, pati ang word o salitang RESILIENCE. Na sa sobrang gamit bilang pampalubag-loob tuwing tayo’y sinasalanta ng sakuna ay na-equate tuloy sa pagiging COMPLACENT. Like only YOU guys have so brilliantly and insightfully pointed out!!! Dahil ba nakakangiti pa rin tayo sa gitna ng kalamidad ay basta na lang natin tanggapin ang kahinaan ng sistema at mga katiwalian; habang tayo’y patuloy na nalulubog o nalulunod? Sila kaya ang maya’t maya lumusong sa baha? O pumila nang pagkahaba-haba para lang makapasok ng eskuwela o trabaho?
Game Over!
Real Talk!
Gustong-gusto ko rin na kayo’y INCLUSIVE. Bukas ang pag-iisip at maluwag ang pagtanggap sa mga hindi n’yo katulad. Pinapahalagahan n’yo ang pagiging AUTHENTIC o pagpapakatotoo. Ang hanap n’yo raw ay MEANING o kabuluhan kaysa sa materyal na mga bagay. Kaya katulad ng sinabi ko sa graduates ng UP Diliman sa katatapos lang nilang university graduation… Nakikitaan ko ang inyong henerasyon ng PAG-ASA! Baka KAYO ang matagal nang hinihintay na PAGBABAGO!!! Hindi ang mga huwad na salita at puro pangako ng mga pulitiko. Pressured much ba kayo? Kaso kailangan! Dahil kayo ang magmamana ng mga hindi namin nagawa.
At kung hindi kayo maninindigan,ngayon pa lang, baka maipasa lang din ninyo ang mga problema sa mga susunod na henerasyon. You guys have proven that with your tools, skills and savvy… You are POWERFUL!!!
Hindi ba’t meron pa nga kayong na-call out o na-CANCEL na personalities at brands na hindi niyo like ang mga pahayag patungkol sa mga issue na malapit sa inyo katulad ng mental health, equality, diversity, inclusivity, etc.? You guys certainly know how to use your voice and be heard and matter!!! At dahil malilikot o matataba rin ang inyong mga utak, puwede n’yong gawing VIRAL o TRENDING ang mga dapat maaksyunan ng mga kinauukulan. Mabuti nakunan ng isang foreigner ng litrato ang babae sa imburnal sa Makati. Kung hindi siguro siya nag-VIRAL at nabigyan ng ayuda, nasaan na kaya siya ngayon? Like many of you, I also enjoy cat and dog videos; the latest song and dance craze on Tiktok. I also like K-Pop and K-Drama that incidentally, South Korea had so masterfully capitalized on to captivate the world, including us, Filipinos.
Mga “nilamon ng sistema”. Ang tawag doon ngayon, SOFT POWER. Fun is good; we all need and want good vibes! But I also want to ask you to focus your cameras and your energy too on things that need to change. Katulad ng nag-video ng Tamugan River sa Davao City. At kung paano ito buwis-buhay na tinatawid ng mga taga-roon; kabilang ang mga titser at estudyante. Binuo namin ang istorya. At ilang buwan lang matapos itong umere, inaksyunan ng mga awtoridad ang problema. Before and After? Meron na ngayong hanging bridge doon. So please get involved, participate.
Use your voice. Ask the hard questions. And please do NOT sell your votes. Let us stop drowning in mediocrity and inefficiency.
There has to be better ways or best practices of doing things. Let us also stop being comfortable or comfy, like you would say, about the glaring INEQUALITY in our midst.
Imagine: According to a World Bank Report in 2022, the top 1% in this country or the richest captured 17% of the national income. The lower half or 50% or the majority got only 14%. The Global data is similar. In 2024 according to UBS Global Wealth Report, the world’s top 1.6% got 48.1% of the wealth. The lower 40.7% got only .6 %.
Hindi naman iyan mahirap makita. Sing-liwanag ng sikat ng araw ang napakalawak na agwat sa pagitan ng mga mayaman at mahirap. The Philippines is a C2DE market, that’s our demographics in TV.
Masa, sa simpleng salita. Ang higit na nakararami, kailangan maghirap at magsumikap para maitawid ang mga pang-araw araw na pangangailangan. Klarong-klaro iyan noong pandemic. Sa bawat araw na tayo’y naka-lockdown noon, marami agad ang lalo pang nagutom at naghirap. Mga no work, no pay o minimum wage earners. Kumaunti o bumaba rin ang bilang ng middle class. At meron pang mga nagsasabi na wala naman daw talagang matibay na middle class ang Pilipinas. In the book “Eat Pray Love,” which was also made into a movie starring Julia Roberts, sabi ng author na si Elizabeth Gilbert, may “word on the street” ang mga bansa. O kung ano iyung pinaka-top of mind o pulso ng mga taga-roon. For example, ang word on the street daw ng Italy ay eat o food. In India, their word on the street daw is pray. Hindi binanggit ang Pilipinas sa libro.
Pero hindi mahirap mahulaan kung ano ang ating word on the street. Ano sa palagay n’yo?
DIUMANO ulit? It’s FAMILY, I think! True?
Kaya nga ba madalas akong nagtataka at nagtatanong.
Kung ang pinaka-importante para sa ating mga Pilipino ay ang pamilya, bakit kailangan nating magkahiwa-hiwalay para lang mabuhay? Why do we have to keep exporting FAMILY? Timely pag-usapan lalo’t hot issue ang TARIFFS, worldwide. May katumbas kayang tariff o halaga ang pangingibang bansa ng ating mga mahal sa buhay?
And why are we not counting enough the SOCIAL COSTS of sending our loved ones abroad? Kaya nga saang bansa man kami lumipad ng aking team, hinahanap namin ang kuwento ng mga nagpupunyagi nating mga kababayan. Nilalabanan ang hirap, pagod, puyat, matinding kalungkutan at kung minsan pa nga’y pangmamaltrato, makapagpadala lang ng remittance sa kanilang mga pamilya. To be honest, I see all 14 thousand of you here; the biggest gathering of young people I have seen and I am very delighted.
BUT I also worry: What’s in store for your future? Will there finally be enough opportunities in our country for you? But because of your built-in advantage of being born digital natives, you, yourselves can create the opportunities. AI is scary, yes! But I am also excited with what you can do with it; for as long as you use it for good.
Ang sabi sa akin ni Kim Refuerzo, dati kong kasama sa KMJS at sa BRIGADA na siya ring nag-imbita sa akin dito, among the topics na gusto raw sana nilang talakayin ko ay Peace, Justice and Strong Institutions: Who do we trust online when everyone has a platform?
Forgive me, patawarin n’yo ako. Pero I think the words Peace, Justice are big, beautiful words. Pero, INTANGIBLES. Intangibles- meaning cannot be touched nor grasped and have no physical presence, according to the Oxford Dictionary. How apt dahil sa ating lipunan at mundo ngayon, parang wala namang peace nor justice and institutions are crumbling. Sadly, even the Media. Which brings me to the other portion of the assigned topic: Who to trust online when everyone has a platform.
Iyung totoo? Mas magaling kayo DAPAT diyan!
Kayong mga ipinanganak sa mundo na meron nang ka-parallel na virtual or digital kung saan pirme kayong nakasubsob o nakatitig. Sigurado ako.
By now, alam n’yo na dapat kung alin ang real from fake! Ang true or false sa diumano! adaling mabudol, oo.
Pero hindi ba’t ngayong meron nang AI eh mas madali na rin dapat mag-crosscheck at mag-fact check! Learn not to take anything at face value.
Lalo’t meron na ring deep fakes! Konting pakiusap lang po: Huwag kayong maniwala sa deep fakes ko na naglalako ng kung ano-anong produkto at investment. Be responsible citizens and netizens, as well. Criticize if you must, but elevate the level of discourse.
No gutter language; no name-calling, no body shaming! Let us be civilized and respectful of one another even if we have differences or divergent views. Thank you for this Global Youth Summit, SM. This huge conglomerate that started really small: a shoe store in Carriedo St, Quiapo. 40 years na nga akong journalist or storyteller.
Marami nang naikuwento tungkol sa ating sarili at tungkol sa ating bayan. Pero alam n’yo po, ang ilan sa pinaka-memorable o hindi malilimutan? Iyung mga life story na dramatic and colorful. Taob o daig ang mga telenovela. At ang ending, happy! Dahil napagtagumpayan ng itinampok naming ‘subject’ o ‘case study’ ang lahat ng mga pagsubok. Sana ganoon din ang magiging kuwento ninyo.
Thank you for this opportunity to share my story. May each one of you become an inspiration to others too. Maraming, maraming salamat sa mga naging kakuwentuhan ko o namin sa nakalipas na 4 na dekada. Makakaasa kayo na hangga’t may makabuluhang maikukuwento, patuloy kong sasabihin na: Ako po ang inyong Kapuso, Jessica Soho.
Ready, everyone? Ready drone!
I-KMJS na iyan!!!”
-Jessica Soho (SOURCE: KapusoMo JesicaSoho FB Page)





