Alden Richards & Julia Montes Will Star In A Movie
Alright people, time to get excited. It was reported this past weekend that Alden Richards and Julia Montes will star together in an upcoming movie. The announcement was prompted thanks to a cryptic post from Julia herself on Instagram. Fans got worried about what it was and Boy Abunda through Fast Talk clarified the matter via Julia’s management. And I guess the post was a teaser of the official announcement of the Alden-Julia movie. According to PEP, the movie will be under GMA Pictures and Cornerstone which manages Julia’s career.
Ibinalita ng TV host na si Boy Abunda sa kaniyang programa sa Fast Talk with Boy Abunda na nakatakdang magsama sa isang pelikula ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards at Kapamilya actress na si Julia Montes.
Sa segment na “Today’s Talk” ng naturang programa, sinabi ni Boy na hindi totoo ang ispekulasyon na may pinagdaraanan ang aktres na si Julia dahil sa kaniyang recent Instagram post na “broken heart” na may date na April 18, 2023.
Ayon kay Boy, nilinaw ng management ni Julia na maayos ang kalagayan ng aktres at ang kaniyang trending post ay hindi tungkol sa kaniyang personal na buhay. Sa halip, ito ay isang teaser publicity sa pelikulang pagsasamahan nila ni Alden. Bukas, April 18, ibibigay ang mga detalye para sa naturang pelikula. (SOURCE: GMA NETWORK)
Ang totoo, nakatakda sa darating na Martes, April 18, ang official announcement ng pelikula na pagsasamahan nina Julia at Alden Richards, 28. Hindi pa inihahayag ang pamagat ng proyekto na pagbibidahan nina Julia at Alden.
Pero may kinalaman sa produksyon ang GMA Pictures at ang Cornerstone Entertainment Inc., ang namamahala sa showbiz career ng 28-year old actress. Inaasahan na sasabihin nina Julia at Alden sa Martes ang kumpletong detalye tungkol sa pelikula na gagawin nila, pati ang direktor at mga artista na kanilang makakatrabaho. (SOURCE: PEP)